Tuesday, August 19, 2008

Panawagan kay Kabayan

Para sa isang pamil­yang Pilipino, pinakama­laking mithiin na siguro ang magkaroon ng sariling bahay. Ito’y patuloy na pinag-iipunan, at mara­ming ibang pangangaila­ngan ang sinasakripisyo upang magkaroon ng sari­ling bahay.

Ano ngayon ang protek­syon ng ordinaryong mamamayan na nagpunyagi upang magkaroon ng bahay, at ma­ta­pos na makapaglagak ng mala­king puhunan para rito, ay madaya, o maiisahan lang pala ng nagtayo ng bahay, o nag-develop ng subdivision? Ito ang dahilan kung bakit may mga

ahensyang itinayo ang pamahalaan, tulad ng HLURB, at iba pang sangay ng HUDCC o Housing and Urban Development Coordinating Council na pinamumunuan ng pangalawang pangulo, si Noli de Castro.

Lumiham sa atin si Ginang Bea Mendoza, isang kumuha ng housing unit sa Mahogany Villas sa Barangay Looc, Calamba, Laguna. Ang developer na binilhan ay ang Malate Construction and Development Corporation (MCDC) na ang tanggapan ay nasa Filinvest Center sa Alabang.

Sila na kanyang pamilya ay nagpa-take-out ng bahay na hindi pa tapos at kulang-kulang sa pamamagitan ng pag-utang sa Pag-IBIG, ang ahensyang nangongolekta ng kontribusyon para sa murang pabahay, at siya ring nagpi-finance ng low-cost at socialized housing.

Nagbayad sila Ginang Mendoza ng bayad sa metro ng kuryente, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang metro, subalit sinisingil naman sila para sa kuryente. Kung ano ang malinaw na basehan sa paniningil, ay hindi ko maintindihan. Napakahina naman ng kuryente sa kanilang

subdivision kaya’t nagkasira-sira na ang kanilang mga appliances dahil sa pabugsu-bugso ng daloy ng kuryente. Ito’y kanila nang inireklamo sa

opisina pero wala namang nangyayari. Ang iba namang bahay sa subdivision nila ay ni walang kuryente, bagama’t may mga naninirahan na roon. Tuloy ay nangangamba ang marami na nagsipaglipatan na bagama’t kulang-kulang pa ang mga batayang serbisyo, sa pag-asang hindi naman magtatagal ay maaayos din ito.

Nais na nga nilang ipagbili ang kanilang unit, ngunit sino nga ba naman ang bibili kapag ganito ang kundisyon ng pamumuhay sa naturang Mahogany Villas? (Ang galing ng mga developer sa pangako, pati na rin sa pagbibigay-ngalan sa kanilang mga sundivision at housing units. “Villa” pa manding itinuturing, pero umangat lang ng kaunti sa barong-barong.)
Lubhang nakakaawa ang mga kababayan na­ting umaasa sa mga kumpanyang binilhan ng kanilang mi­nimithing kabahayan.

Abante, Agosto 19, 2008

0 comments: