Tuesday, September 16, 2008

Nagpaparti-parte

Malinaw sa privilege speech ni Senador Ping Lacson kahapon kung paano winawalanghiya at pinagsasamantalahan ng pamahalaan ang mga mamamayang Pilipino. Ang masakit dito, hindi lang pala ang ehekutibo,

kundi ma­ging mga nasa lehislatura, ang siyang nakikipagpartihan sa pagpapariwara ng kaban ng bayan.


Sadyang talamak na ang korapsyon sa lahat na ng sangay ng pamahalaan. Ilang beses na tayong na-iskandalo sa mga anomalya sa mga ahensya ng pamahalaan, mula sa textbook scandal ng DECS, sa ferti­lizer scandal ng DA noong kapanahunan ni Joc-joc Bolante, sa mga kalokohan ng mga heneral ng kapulisan at ng militar, maging sa customs,

BIR, pati na ang Northrail at ZTE-NBN ng DOTC, at siyempre, ang pagkarami-raming iskandalo sa DPWH. Andiyan pa ang mga government-owned and controlled corporations, tulad ng PCSO, Pagcor, GSIS, at ngayon, sa ilalim ng pangangasiwa ni Romulo Neri, malamang pati sa SSS. Ang Come­lec, na isang constitutional commission, lalo na nung panahon ni Ben Abalos, naging nuknukan ng katiwalian.


Nguni’t nitong mga nagdaang araw, ang mga bulung-bulungan ukol sa korapsyon sa hudikatura ay sumabog na. At kay lakas ng sabog. Mismong mga mahistrado ng Court of Appeals ay halatang-halata, buking na buking. Kaya’t nag-imbestiga agad ang Korte Suprema. Nguni’t nang maghatol ang Korte, marami pa ring katanungan. Bakit daw si Justice Vicente Roxas lang ang sinipa, samantalang


ang daming kasalanan ng iba pang mahistrado at mga abogado na kasangkot? Kita mong sa hindi pananahimik ng taong-bayan, malubhang krisis ng kredibilidad ang naging dagok sa buong hudikatura.


Ngayon ay sumabog naman ang ukol sa mga tinaguriang “congressional insertions”. Masama na nga ang pag-abuso ng pork barrel, kung saan ilang bilyon taun-taon ang inaaksaya sa laki ng “tongpats” at mga walang kabuluhang mga proyekto ng ating mga mambabatas.


Liban pala sa pork barrel ay may dagdag pa. Pumaparti pa sa budget ng mga iba’t ibang sangay ng pamahalaan. At ang ipinakita nga ni Lacson ay ukol pa lamang sa DPWH. Ang mga matitinik sa mga mambabatas, sa Kamara de Representantes man o sa Senado, ay napakagaling sa pag-singit ng mga panibagong proyekto. Ito’y nagsisilbing karagdagan pa sa kani-kanilang mga pork barrel.


Kaya’t kung ang isang ordinaryong congressman ay may 70 milyung pork barrel para sa kanyang distrito, ang mga mas matitinik sa pagsingit, ay may malalaking dagdag, at kung gagawing basehan ang kalakaran sa pork barrel, e ‘di dagdag “tongpats” na rin? Kaawa-awa tuloy ang mga distrito ng mga bagitong mambabatas, na malamang sa hindi ay hindi marunong mang-singit. Kaya tuloy lalong hindi nagiging patas ang pag-unlad ng ating mga lalawigan.


Ano pa nga bang institusyon ng pamahalaan ang hindi nababahiran ng korapsyon? Ano pa nga ba ang hindi nakikiparte? Sino pa nga ba ang hindi nakikiparte sa mga bunga ng korapsyon?

nang daming kasalanan ng iba pang mahistrado at mga abogado na kasangkot? Kita mong sa hindi panana­himik ng taumbayan, malubhang krisis ng kredibilidad ang naging dagok sa buong hudikatura.


Ngayon ay sumabog naman ang ukol sa mga tina­­guriang “congressional insertions”. Masama na nga ang pag-abuso ng pork barrel, kung saan ilang bil­yon taun-taon ang inaaksaya sa laki ng “tongpats” at mga walang kabuluhang mga proyekto ng ating mga mambabatas.


Liban pala sa pork barrel ay may dagdag pa. Pumaparti pa sa budget ng mga iba’t ibang sangay ng pamahalaan. At ang ipina­kita nga ni Lacson ay ukol pa lamang sa DPWH. Ang mga matitinik sa mga mambabatas, sa Kamara de Repre­sentantes man o sa Senado, ay napakaga­ling sa pag-singit ng mga panibagong proyekto. Ito’y nagsisilbing karagdagan pa sa kani-kanilang mga pork barrel.


Kaya’t kung ang isang ordinaryong congressman ay may 70 milyung pork barrel para sa kanyang distrito, ang mga mas matitinik sa pagsingit, ay may malalaking dagdag, at kung gagawing basehan ang kalakaran sa pork barrel, e ‘di dagdag “tongpats” na rin? Kaawa-awa tuloy ang mga distrito ng mga bagitong mambabatas, na malamang sa hindi ay hindi marunong mang-singit. Kaya tuloy lalong hindi nagiging patas ang pag-unlad ng ating mga lalawigan.

0 comments: